Mosley iindahin ang pagkakaroon ng edad sa pakikipagharap kay Pacquiao

MANILA, Philippines - May angking man la­kas at bilis ng kamay, na­niniwala pa rin ang Team Pacquiao na iindahin ni Shane Mosley ang pagi­ging mas may edad kum­para kay Manny Pacquiao sa ka­nilang title fight sa Mayo 7 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

“Mosley is very dangerous for five or six rounds,” wika ng agent ni Pacquiao na si Michael Koncz sa pa­nayam ni Michael Marley.

Kaya sa mga rounds na ito ay talagang dapat na mag-ingat ang Pambansang kamao. Ngunit kung malusutan ito ni Pacquiao ay si Mosley naman ang da­pat na mangamba dahil maaring sa mga sumunod na round matapos ang la­ban.

“In the latter rounds, yes his age might play a factor but not early on in the fight,” sabi pa nito.

Ang laban ay para sa WBO welterweight title ni Pacquiao at gagawin sa 147-pounds.

Pumalo na sa 16,000 ang tiket na nabenta matapos lamang ang tatlong oras na paglalako dahilan upang malagay ang laban bilang isa sa pinakamainit na sagupaan sa taong 2011.

Maging ang dating trai­ner ni Mosley na si Joe Goosen ay sang-ayon na sulit ang mapapanood ng mga boxing aficionados dahil mas maganda ang la­bang ito kumpara sa laban ni Pacquiao at Antonio Margarito.

“Shane is more athletic than Margarito. His hand speed will be faster than Margarito. The punch that really work for Margarito is one of Shane’s best punch, a left hook to the liver,” wika nga ni Goosen.

Ang suntok na ito kay Margarito ay ininda ni Pacquiao sa kanilang laban no­ong Nobyembre pero ang dami ng malalakas na suntok na pinatama ni Pacquiao ay nagresulta naman para sa unanimous decision panalo at maisubi ang bakanteng WBC light middleweight title.

“I worked with Shane and he has strong liver shots trust me. If Margarito was hurting Manny, Shane can hurt Manny. If Shane uses much better head mo­vement and can parry shots, slide side to side which Margarito was not able to do, this fight will be a competitive fight,” dagdag pa ni Goosen.

Magkakaroon ng pagkakataon sina Pacquiao at Mosley na magkita ng personal sa gagawing Press Tour sa apat na malalaking Siyudad sa US.

Aalis ng bansa sa Peb­rero 9, ang unang tour ay sa Pebrero 10 sa Los Angeles bago lumipat sa Las Vegas sa Pebrero 12, New York sa Pebrero 14 at Washington, D.C.sa Pebrero 15. 

Show comments