Mosley iindahin ang pagkakaroon ng edad sa pakikipagharap kay Pacquiao
MANILA, Philippines - May angking man lakas at bilis ng kamay, naniniwala pa rin ang Team Pacquiao na iindahin ni Shane Mosley ang pagiging mas may edad kumpara kay Manny Pacquiao sa kanilang title fight sa Mayo 7 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
“Mosley is very dangerous for five or six rounds,” wika ng agent ni Pacquiao na si Michael Koncz sa panayam ni Michael Marley.
Kaya sa mga rounds na ito ay talagang dapat na mag-ingat ang Pambansang kamao. Ngunit kung malusutan ito ni Pacquiao ay si Mosley naman ang dapat na mangamba dahil maaring sa mga sumunod na round matapos ang laban.
“In the latter rounds, yes his age might play a factor but not early on in the fight,” sabi pa nito.
Ang laban ay para sa WBO welterweight title ni Pacquiao at gagawin sa 147-pounds.
Pumalo na sa 16,000 ang tiket na nabenta matapos lamang ang tatlong oras na paglalako dahilan upang malagay ang laban bilang isa sa pinakamainit na sagupaan sa taong 2011.
Maging ang dating trainer ni Mosley na si Joe Goosen ay sang-ayon na sulit ang mapapanood ng mga boxing aficionados dahil mas maganda ang labang ito kumpara sa laban ni Pacquiao at Antonio Margarito.
“Shane is more athletic than Margarito. His hand speed will be faster than Margarito. The punch that really work for Margarito is one of Shane’s best punch, a left hook to the liver,” wika nga ni Goosen.
Ang suntok na ito kay Margarito ay ininda ni Pacquiao sa kanilang laban noong Nobyembre pero ang dami ng malalakas na suntok na pinatama ni Pacquiao ay nagresulta naman para sa unanimous decision panalo at maisubi ang bakanteng WBC light middleweight title.
“I worked with Shane and he has strong liver shots trust me. If Margarito was hurting Manny, Shane can hurt Manny. If Shane uses much better head movement and can parry shots, slide side to side which Margarito was not able to do, this fight will be a competitive fight,” dagdag pa ni Goosen.
Magkakaroon ng pagkakataon sina Pacquiao at Mosley na magkita ng personal sa gagawing Press Tour sa apat na malalaking Siyudad sa US.
Aalis ng bansa sa Pebrero 9, ang unang tour ay sa Pebrero 10 sa Los Angeles bago lumipat sa Las Vegas sa Pebrero 12, New York sa Pebrero 14 at Washington, D.C.sa Pebrero 15.
- Latest
- Trending