^

PSN Palaro

Pacquiao kayang talunin ni Mosley kung...

- RC -

MANILA, Philippines -    Kung may naniniwala mang matatalo si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao kay Sugar Shane Mosley, ito ay ang HBO Sports commentator na si Larry Merchant.

Kayang talunin ni Mosley ang 32-anyos na si Pac­quiao kung magiging kondis­yon ang katawan ng 39-anyos na world three-time titlist sa kabuuan ng kanilang 12 round fight sa Mayo 7 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.      

“If Mosley can get in shape to fight for 12 rounds, I’m saying that Shane Mosley could beat Manny Pacquiao,” wika ni Merchant sa panayam ng Funhouse.com kahapon. “But I’m not saying that he will.”

Itataya ni Pacquiao, umis­kor ng isang unanimous decision win sa 5-foot-11 na si Antonio Margarito noong Nobyembre 14 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas, ang kanyang suot na World Bo­xing Organization (WBO) welterweight (147 pounds) belt laban kay Mosley.

Bitbit ni Pacquiao, ang bagong World Bo­xing Council (WBC) junior middleweight (154 pounds) king, 52-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 knockouts, ay sumasakay sa isang 13-bout winning streak na tinampukan ng walong stoppages.

Maliban kina World Boxing Association (WBA) junior middleweight (154 pounds) king Miguel Cotto (35-2, 28 KOs) at six-time titlist Floyd Mayweather (41-0, 25 KOs) na tumalo sa kanya para sa WBA welterweight crown noong Nobyembre 2007 at noong Mayo 2010 sa isang non-title bout, ayon sa pagkakasunod, nagkaproblema ang 5’8 na si Mosley sa mas malalaki nilang nakalaban.

Dalawang beses naagaw kay Mosley ang kanyang dating suot na WBC welterweight belt.

ANTONIO MARGARITO

BUT I

COWBOYS STADIUM

FLOYD MAYWEATHER

GRAND ARENA

IF MOSLEY

MOSLEY

WORLD BO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with