^

PSN Palaro

Para makabuo ng palabang koponan sa UAAP: La Salle sinasalang mabuti ang mga manlalaro

-

MANILA, Philippines - Masusing sinusuri ng La Salle ang talaan ng ka­nilang manlalaro upang matiyak na makakabuo ng palabang koponan para sa 74th UAAP season.

Sa ngayon ay mayro­o­ng 24 na manlalaro ang naglalaban-laban para sa slots na magtatangkang iba­lik ang dating kinang ng Archers sa collegiate lea­gue.

Nagpalit man ng mga manlalaro ay hindi naman nabigo ang La Salle na ma­kapasok pa rin sa Final Four kahit may limang rookies sila sa line-up.

Binigyan nila ng magandang laban ang FEU sa Final Four nang umabot ang laro sa overtime bago nila naisuko ang 59-69 pag­katalo.

Isa ang La Salle sa kaa­abangan sa papasok na season dahil inaasahang maglalaro na sa koponan ang 6’7 Fil-Canadian center na si Norberto Torres.

Si Torres ay naglaro sa Philippine under 18 team na hinawakan ni Pumaren at tumapos sa ikapitong puwesto sa FIBA Asia Youth na nilaro sa Tehran, Iran.

May makakatuwang sa gitna si Torres sa katauhan ni Arnold Van Opstal na isang 18-anyos na tumi­tindig ng 6’9.

Ang mga higanteng ito ay makakatulong ng mga datihan sa pangunguna ni­na 6’3 Maui Villanueva, 6’4 Jovet Mendoza, 6’6 Phi­lip Paredes at ang 6’5 na si Yulien And­ra­da para mapalakas ang gitna.

Inaasahang babalik din sa koponan ang kamador na sina Gabrial Banal, Joshua Webb at Almond Vosotros.

Ang koponan ay magpapalakas sa paglahok sa mga pre-season tournaments bukod sa planong ipadala ang mabubuong koponan sa 10-day training camp sa Chicago.

SaAttack Athletics Cen­ter magsasanay uli ang koponan at hahawakan sila ni Tim Grover na dating trainer ni Michael Jordan.

Magkakaroon din ng pag­kakataon ang La Salle na masukat agad ang lakas ng three-time defending champion Ateneo ng ma­aga dahil may isang tune-up game na gagawin sa Dubai sa bandang Abril.

Magandang sagupaan ito dahil ang Eagles ay hi­nugot na rin sa koponan ang 7-footer at kasapi ng Smart Gilas player na si Greg Slaughter at makikilatis ang husay nito laban sa mga bagitong higante 

Ma­kakatulong ni Pumaren sa bench sina To­nichi Yturri, Jack Santiago at Lawrence Yulo habang ang mga nakatatandang kapatid na sina Derick at Franz ang kanyang mga advisers.

ALMOND VOSOTROS

ARNOLD VAN OPSTAL

ASIA YOUTH

ATHLETICS CEN

FINAL FOUR

GABRIAL BANAL

GREG SLAUGHTER

JACK SANTIAGO

LA SALLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with