^

PSN Palaro

Bautista pinatulog si Barrera sa rematch

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagkamali si Mexican boxer Alejandro Barrera nang dungisan niya ang re­­putasyon ni Rey “Boom Boom” Bautista.

Pinagbayad ng Filipino knockout artist si Barrera sa mga inihayag na nadaya siya sa unang tagisan nila nang kunin ni Bautista ang third round knockout na pa­nalo sa main event ng Pinoy Pride 3 noong Saba­do ng gabi sa Waterfront Ho­tel and Casino sa Cebu City.

Ipinamalas ng 24-an­yos na si Bautista ang ipi­­nagmamalaking lakas nang mapaupo si Barrera nang tamaan ng matinding kaliwa sa kanyang tiyan.

Nakatayo pa man ay tu­luyang bumulagta ang 31-anyos na dayuhang bok­singero nang paulanan na siya ng kaliwat-kanang suntok ng local bet upang matapos ang laban sa 2:56 ng ikatlong round.

Ito ang ikalawang pagka­kataon na naglaban ang dalawang boksingero na itinakda dahil na rin sa pagrereklamo ng kampo ni Barrera matapos lasapin ang fourth round technical knockout na kabiguan noong Agosto 28, 2010 sa nasabi ring venue.

Itinigil ni referee Tony Pe­sons ang laban nang lu­maki ang sugat sa kaliwang eyelid ni Barrera at ibinigay ang panalo kay Bau­tista dahil nagdesisyon si Pesons na ang putok ay dahil sa suntok ng huli.

Pero hindi nagustuhan ito ng kampo ni Barrera na sinabing isang head butt ang dahilan ng malalim na sugat at dapat umano ay nauwi sa tabla ang laban.

Mainitan agad ang laba­nan dahil sumugod agad si Barrera at tumama agad sa mga pinakawalang kombinasyon.

Ngunit handa rito si Bau­­tista at nagawang kumonekta kapag naiiwang bukas ni Barrera ang sarili.

Sa ikalawang round ay duguan na ang ilong ni Barrera dala ng malalakas na suntok na tinanggap at sa ikatlong round ay todo na ang Filipino boxer para ma­agang matapos ang sa­gupaan.

Ito ang ikaapat na su­nod na laban ni Bautista na nauwi sa knockout na panalo matapos lumasap ng ikalawang kabiguan sa boxing career sa kamay ni Heriberto Ruiz noong 2008.,

Sa kabuuan ay may 30 panalo sa 32 laban bukod pa sa 23 KO karta si Bautista na nais na makasukatan uli si Da­niel Ponce De Leon ng Me­xico.

vuukle comment

ALEJANDRO BARRERA

BARRERA

BAU

BAUTISTA

BOOM BOOM

CEBU CITY

HERIBERTO RUIZ

PINOY PRIDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with