So 'di bumibitiw sa pakikisalo sa liderato, nakipag-draw kay Tkachiev
WIJK AAN ZEE, Netherlands--Pumuwersa ng draw si Filipino GM Wesley So kay GM Vlad Tkachiev ng France sa 10th round para makisalo sa liderato sa 73rd Tata Steel-Corus Group B chess championship dito sa de Morianne Community Center.
Nang magkasundo sa paghahati ng puntos, kapwa may hawak sina So at Tkachiev ng queen, rook, knight, at bishop.
Kasalo ng 17-anyos na si So sa first place si GM Zahar Efimenko ng Ukraine sa magkapareho nilang 6.5 points mula sa limang panalo, anim na draws at isang kabiguan.
Tinalo ni Efimenko ang dating co-leader na si GM Luke McShane ng England.
Nasa ilalim nina So at Efimenko sina McShane, GM David Navara ng Czech Republic, GM Gabriel Sargissian ng Armenia at Tkachiev papunta sa 11th round kasunod sina GM Le Quang Liem ng Vietnam at top seed GM Radek Wojtaszek ng Poland.
- Latest
- Trending