St. Clare Saints umarangkada sa collegiate billiards tourney

MANILA, Philippines - Isang three-match sweep ang tinumbok ng St. Clare Colleges para patuloy na dominahin ang National Collegiate Billiards League sa Star Billiards Center sa Quezon City .

Nagmula sa isang 3-0 paggiba sa Don Bosco sa kanilang first match, winalis rin ng Saints ang Jose Rizal University at kinumpleto ang isang 9-0 output nang hindi maglaro ang La Salle.

May 55 points ngayon ang St. Clare.

Umiskor naman ng eight points ang Philippine Maritime Institute para itulak ang isang two-way tie sa second spot kasama ang National University sa magkapareho nilang 48 points.

Nagbida sina Troy Montes at Raefred Veron para sa 3-0 ratsada ng Admirals kontra University of Santo Tomas kasunod ang paglusot sa University of Manila, 2-1.

Nakatanggap rin sila ng three-point bonus nang hindi magpakita ang San Sebastian.

Show comments