MANILA, Philippines - Nakatakdang sagupain ng Smart Gilas Pilipinas ang Al Wahda ng Syria sa huling group stage matches ng 22nd Dubai Invitational basketball tournament sa Al Ahli Club Gym.
Tinalo ng Nationals ang Sharjah ng United Arab Emirates, 92-67, noong Linggo para sa kanilang 2-1 (win-loss) slate at kumuha ng tiket sa quarterfinals ng nasabing 10-day event na magsisilbing tune-up event ng tropa ni Serbian coach Rajko Toroman para sa 2011 FIBA-Asia Championship sa Agosto.