Mayor Lim pinuri si romero at ang Manila Sharks
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Manila Mayor Alfredo Lim sa lahat ng sektor na buhayin ang baseball kasabay ng pagpuri sa Harbour Centre sa pagiging “Ambassador of baseball” nito sa bansa.
“Baseball is once a popular sport here and we have a number of baseball stadiums before. But its popularity continue to wane because of basketball,” sabi ni Lim.
Idinagdag ni Lim na dapat ituon ng mga sports leaders at iba pang sponsors ang kanilang suporta sa pagdiskubre ng mga baseball talents.
“It’s an exciting sport since height is not a big factor and sluggers are interesting to watch. American stars used to come here in Manila,” wika ni Lim sa courtesy call na dinaluhan ng Harbour Centre-owned Manila Sharks.
Ipinakita nina Harbour Centre CEO Mikee Romero, chief finance officer Edwin Galvez at consultant Rich Cruz at ang Sharks ang kanilang mga tropeo kay Lim.
Ang Sharks ang naging kauna-unahang back-to-back champions ng Baseball Philippines.
Dinomina ng Sharks ang Series 6 at 7 nang igupo ang Cebu Dolphins at ang Batangas Bulls, ayon sa pagkakasunod.
“Ang ginagawa ninyong paglalaro ay makakatulong para muling mabuhay ang baseball sa bansa. Dito sa Manila maraming bata kayong matutulungan at ang tagumpay na makukuha ninyo ay makakaengganyo sa kanila para maglaro ng baseball,” ani Lim, hinandugan ni Romero ng jersey at baseball cap.
Bukod sa hangad na ikatlong sunod na korona ng Sharks, sinabi rin ni Romero kay Lim ang kanyang pagbuo sa national team para sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre 11.
- Latest
- Trending