^

PSN Palaro

Men's poomsae team, silver medal sa Asian Games tatanggap ng major award sa PSA Awards Night

-

MANILA, Philippines - Ang matagumpay na na­tional men’s poomsae team at ang mga silver me­dal winners sa nakaraang 16th Asian Games sa Guangzhou, China ang mga tatanggap ng major honors sa annual Awards Night ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

Ang tatluhan ng magka­patid na Brian at Jean-Pierre Sabido at Anthony Matias kasama sina boxer Annie Albania, cue ar­tist Warren Kiamco, golfer Mi­guel Tabuena at ang Phi­lippine men’s chess team ang mangunguna sa 14 elite personalities para sa major award ng pinakamatandang media organization sa bansa.

Nakatakda ang awards night sa Marso 5 sa Manila Hotel.

Si Matias at ang magkapatid na Sabido brothers ang nag-uwi ng men’s gold medal mula sa 5th WTF World Poomsae Championships sa Universal Sports Palace sa Tashkent, Uzbekistan.

Sina Albania, Tabuena at Kiamco at ang men’s chess team, binanderahan ni GM Wesley So katuwang si GM Eugene Torre, ang kumuha ng apat na silver medals sa Guangzhou Asiad.

Makakatanggap rin ng major award mula sa sports association na itinatag noong 1949, ang Philippine women’s basketball team at ang boxing trio nina Nonito Donaire Jr. , Donnie `Ahas’ Nietes at Ana Julaton.

Hinawakan ni coach Haydee Ong, ang Filipina cagebelles ang umangkin sa kauna-unahang Southeast Asian Basketball Association (SEABA) women’s cage title matapos ang five-game sweep ng week-long tournament na idinaos sa Ninoy Aquino Stadium.

Si Nietes ay matagum­pay namang naidepensa ang kanyang World Boxing Organization (WBO) minimumweight title via unanimous decision kay Mexican Mario Rodriguez sa Sinaloa, Mexico, habang si Julaton ang umangkin sa WBO super-bantamweight championship buhat sa isang split decision kay Mexican Maria Elena Villalobos sa Casino Rama sa Ontario, Canada.

ANA JULATON

ANNIE ALBANIA

ANTHONY MATIAS

ASIAN GAMES

AWARDS NIGHT

CASINO RAMA

EUGENE TORRE

GUANGZHOU ASIAD

HAYDEE ONG

JEAN-PIERRE SABIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with