Knicks sumadsad sa Spurs

SAN ANTONIO--Humakot si Tim Duncan ng 21 points at 16 rebounds upang tulungan ang San Antonio Spurs sa 101-92 paggupo sa New York Knicks.

Ito ang pang-walong su­nod na ratsada ng Spurs.

Nagdagdag si Tony Parker ng 21 points at 13 assists para resbakan ang Knicks na tumalo sa kanila.

Nalasap naman ng Knicks ang kanilang pang- limang sunod na kamala­san. Pinamunuan ni Raymond Felton ang Knicks sa kanyang 23 points.

Sa Atlanta, umiskor si Chris Paul ng 16 puntos at walong assists upang bitbitin ang New Orleans Hornets sa 100-59 panalo laban sa Hawks na siyang pinaka-lowest game scoring sa kasaysayan ng host team.

Sa Boston, tumapos sina Kevin Garnet at Paul Pierce ng 21 at 20 puntos, ayon sa pagkakasunod at 12 assist naman ang kay Rajon Rondo upang banderahan ang Boston sa kanilang ikalimang sunod na panalo laban sa Utah Jazz, 110-86.

Sa iba pang resulta, na­nalo ang L.A. Lakers sa Denver Nuggets, 107-97; Orlando Magic sa Toronto Raptors, 112-72 at Phoenix Suns sa Washington Wi­zards, 109-91.

Show comments