^

PSN Palaro

Wesley haharapin si Ganguly sa fifth round ng Steel-Corus meet

-

WIJK AAN ZEE, Netherlands - Matapos ang isang araw na pahinga, magbabalik sa aksyon si Filipino Grand Master Wesley So sa fifth round ng 73rd Tata Steel-Corus Group B chess championships.

Apat na draws ang nakamit ng Filipino champion sa kanyang apat na laro sa torneo.

Makakaharap ng 17-anyos na si So si GM Surya Shekhar Ganguly ng India sa isa sa pitong laban na nakatakda sa fifth round dito sa de Moriaan Community Center.

Hahawakan ng tubong Bacoor, Cavite, pinamunuan ang Group C ng torneo noong 2009 at tumapos na fourth-placer sa Group B noong 2010, ang itim na piyesa laban kay Ganguly.

Si Ganguly, nakuha ang kanyang GM title sa 35th World Chess Olympiad sa Slovenia noong 2002, ay miyembro ng koponang tumulong kay GM Viswanathand Anand para sa kanyang world title matches laban kina GM Vladimir Kramnik noong 2008 at GM Veselin Topalov noong 2010.

Kabilang sa mga naka-draw ni So ay sina GM Le Quang Liem ng Vietnam, GM Garbriel Sargissian ng Armenia, GM Jon Ludvig Hammer ng Norway at GM Zahar Efimenko ng Ukraine.

Haharapin naman ni solo leader GM Luke McShane ng England si GM Laurent Fressinet ng France sa top board.

vuukle comment

FILIPINO GRAND MASTER WESLEY SO

GARBRIEL SARGISSIAN

GROUP B

GROUP C

JON LUDVIG HAMMER

LAURENT FRESSINET

LE QUANG LIEM

MORIAAN COMMUNITY CENTER

SI GANGULY

SURYA SHEKHAR GANGULY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with