^

PSN Palaro

Magandang pabaon sa semis asam ng Patriots vs Indonesians

- Ni ATan -

MANILA, Philippines –  Magkaroon ng magandang pabaon patungong se­mifinals ang sisipatin nga­yon ng Philippine Patriots sa pagbangga sa Sa­tria Muda BritAma ng Indonesia sa pagtatapos ng elimination ng AirAsia ASEAN Basketball League ngayon sa BritAma Arena sa Jakarta, Indonesia.

Kailangan ng Patriots na manalo upang makaiwas sa paglasap ng tatlong sunod na kabiguan na ma­aaring magpababa pa sa morale ng koponan na nagbabalak nga na maging kauna-unahang back-to-back champion ng regional league.

Matapos matalo sa dou­ble-overtime sa Chang Thailand Slammers, 76-83, ay hiniya naman ng KL Dra­­gons ang nagdedepensang kampeon sa Ynares Sports Center sa Pasig City sa 92-74 dominasyon.

Ang Patriots at Satria Muda BritAma ang siyang naglaban sa Finals ng season one pero pareho silang na­ngangapa sa taong ito.

May 8-6 karta ang Pa­triots upang makasalo ang Dragons sa ikalawa at ikatlong puwesto papasok sa huling araw ng elims.

Kalaban ng Dragons ang Brunei Barracudas at kung pareho silang manalo ng Patriots ay tatanganan ng Malaysia ang homecourt advantage sa kani­lang best-of-three semifinals series.

Dapat pumukpok sina imports Gabe Freeman at Steve Thomas bukod pa sa mga locals ng Patriots dahil todo-bigay ang gagawing paglalaro ng home team na ngayon ay mayroon la­mang 6-8 karta.

Kung papalarin at maduplika ang itinalang 82-78 panalo nang huling nagkita noong Disyembre 4 sa na­sa­bi ring lugar, mananatiling buhay ang maliit na tsansa ng BritAma na maalpasan pa ang eliminasyon.

Ang kalaban ng Brit­Ama sa huling puwesto sa Playoffs ay ang Singapore Slingers na kalaro naman ang top team at may homecourt advantage sa Playoffs na Slammers.

ANG PATRIOTS

BASKETBALL LEAGUE

BRUNEI BARRACUDAS

CHANG THAILAND SLAMMERS

GABE FREEMAN

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

SATRIA MUDA

SHY

SINGAPORE SLINGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with