Donaire, proud na ikumpara kay Pacman

Taas-noo ang ‘the Philippine Flash’ na si Nonito Do­naire, Jr. kapag ikinukumpara siya sa kanyang idolong si Manny Pacquiao. Siyempre tuwang-tuwa rin siya ka­pag sinasabi na siya ang susunod sa mga yapak ng Filipino champion na si Pacquiao na tanging boksingero na nanalo ng 10   titulo sa walong magkakaibang weight categories .

 Sabi nga ni Donaire,“It’s a great honor to be compared to Manny Pacquiao, I mean the guy has done what no one has ever done before. So for someone to throw a name at you like that, that’s a big compliment. It’s like if you’re starting out in basketball, and someone is calling you the next Michael Jordan. I’m like, ‘Thank you.”

Sa mga Filipino boxer sa ngayon, tanging si Do­naire, Jr. lamang kasi ang masasabing pinakamalapit na kakompetensya ni Pacquiao sa mga puso ng mga Pilipino na mahihilig sa boksing. At ang laban nito kay World Boxing Council Continental Americas bantamweight champion Fernado “KO-Chulito” Mortiel ay isang pakaaabangan na namang boxing event.

Liyamado si Donaire sa laban. At bakit naman hin­di, handang-handa si Donaire na umamin pang excited at kumpiyansa siya sa laban kay Montiel na kanyang ha­harapin sa Pebrero 19 sa Mandalay Bay Resort Ho­tel sa Las Vegas.

Ngayon pa lamang nga ay nakakatitiyak na ang mga mahihilig sa boksing na tatalunin ni Donaire si Mon­tiel. May ilan pa nga ang humuhula na malaki ang po­sibilidad na pabasagkin ni Donaire itong si Montiel.

Hindi pa nanatalo itong si Donaire (25-1,17 KOs), makaraan ang kanyang unanimous decision na kabi­guan kay Rosendo Sanchez noong Marso 2001 na ika­lawa niyang professional bout. Si Montiel naman ay 43-2-2, at may 33 KOs.

Pero kahit pa napakalaki ng lamang, hindi pa rin nag­papakasiguro si Donaire. Sabi nga niya, “I’m ta­king on a great champion and I’m going to prove where I stand in boxing. It will not go 12 rounds. I have power. He has power. I want to win by knockout. He wants to win by knockout.”

Kaya nga’t todo training pa rin itong si Donaire na dating IBF at IBO world flyweight champion at sa kasalukuyan ay rated ng Ring Magazine bilang number four pound-for-pound boxer sa daigdig.

Show comments