MANILA, Philippines - Muling binigyan ng pagpupugay ni Top Rank promoter Bob Arum si Manny Pacquiao sa kung bakit patuloy na sumisibol ang pro boxing kahit marami na ang kakompetensya ng sport ngayon.
Ayon kay Arum, ang madalas na pag-usapan na si Pacquiao sa mga ginagawa nito sa loob o labas ng ring ay tunay na nakakahakot ng atensyon hindi lamang sa mga mahihilig sa sport kundi kahit sa mga ordinaryong tao at ito ang nakakatulong para tumaas pa ang interes sa boxing.
“We have a prime fighter in the world who has taken the sport to another level where he’s written about outside of the sports pages, where people all over the world know him, where people are talking about the fact that he may be the future president of his country, so that’s elevating boxing,” wika ni Arum sa panayam ng Fightnews.
“All of these fighters are going to benefit, everyone in boxing is going to be nefitting from the notoriety that Manny Pacquiao has brought to the sport,” dagdag pa nito.
Pero hindi lamang si Arum ang kumilala sa dala ni Pacquiao sa boxing kundi maging ang dating heavyweight champion ng mundo na si Larry Holmes.
Ayon kay Holmes, marami ang nadalang buti ni Pacquiao sa sport kaya nga para sa kanya ay mas higit siyang karapat-dapat na idolohin kaysa sa walang talo at dating pound for pound champion na si Floyd Mayweather Jr.
“I’m proud of Pacquiao for all he’s doing. Manny brings a lot of excitement to the ring and makes people want to see his fights,” wika ni 61-anyos na si Holmes.
Si Pacquiao ang kauna-unahang boksingero na nanalo ng walong titulo sa magkakaibang timbang at siya nga ay nakatakdang sumampa uli ng ring sa Mayo 7 para harapin si Sugar Shane Mosley sa MGM Grand.
Itataya ni Pacquiao sa laban ang hawak nitong WBO welterweight title at ang laban ay inilagay sa lehitimong 147-pound weight limit.