Junior Player of the Year, igagawad kina Ravena, Amer
MANILA, Philippines - Dalawang high school basketball players ang isinama sa paggagawad ng UAAP-NCAA Press Corps sa Collegiate Basketball Awards sa Enero 17 sa To-paz 1 ng Gateway Suites sa Cubao, Quezon City.
Sina Kiefer Ravena at Baser Amer na siyang nanguna sa Ateneo Blue Eaglets at San Beda Red Cubs nang magkampeon ang mga ito sa UAAP at NCAA ang siyang kinilala bilang Juniors Player of the Year.
Makakasama ng dala-wang batang manlalarong ito ang mga coaches at collegiate players na nagpasikat sa dalawang prestihiyosong liga sa sere-monyang inihahandog ng Smart at suportado ng ACCEL, 316, FilOil, Terrilicious, Gatorade, San Miguel Corporation at Philippine Sportswriters’ Association (PSA).
Si Ravena ang siyang key player ng Eaglets nang kunin nila ang ikatlong su-nod na titulo sa UAAP ma-tapos magtala ito ng 18.9 puntos, 4.3 rebounds, 4.1 assists at 2.7 steals.
Hindi lamang sa liga sa bansa nagpasikat si Ravena dahil nang nakasama siya sa national U-18 team na naglaro sa FIBA Asia sa Yemen ay hinirang din siya bilang kasapi ng Mythical team ng torneo.
Si Amer naman ay nag-hatid ng 15.8 puntos, 11.9 assists, 8.4 rebounds at 2.5 steals nang igiya ang Red Cubs sa ikalawang NCAA juniors title.
Ang iba pang kikilalanin sa gabi ng parangal na sisimulan ganap na ika-7 ng gabi ay sina Ateneo coach Norman Black at San Beda mentor Frankie Lim bilang Coach of the Year.
Sina Garvo Lanete ng Red Lions at Ryan Buenafe ng Blue Eagles ang mga kinilala bilang Pivotal Players habang sina Eric Salamat at Borgie Hermida na naglaro sa Ateneo at San Beda ang mga Super Seniors.
Sina Calvin Abueva ng San Sebastian, Kirk Long ng Ateneo, Sudan Daniel ng San Beda, RR Garcia at Aldrech Ramos ng FEU ang kasapi naman ng Collegiate Mythical team.
- Latest
- Trending