Mabigat na laban ang haharapin ng St. Clare vs UE sa NCBL

MANILA, Philippines - Matapos ang isang two-week holiday break, magbabalik ang aksyon sa National Collegiate Billiards League (NCBL) bukas sa Star Billiards Center sa Quezon City.

Nangunguna sa 19-team field mula sa kanilang 29 points, haharapin ng St. Clare Colleges ang fourth-running University of the East.

Katabla ng UE ang Na­tio­nal University sa magkatulad nilang 26 points at susunod na makakalaban ang Letran (23 points) at 14th-running Mapua (13 points).

Nagwakas ang 11 ga­me-winning run ng Saints no­ong Disyembre 19 nang matalo sa Tamaraws, 1-2, na may 28 points.

Itataya naman ng FEU ang kanilang nine-game winning streak sa pakiki­pagtagpo sa Letran at San Sebastian, katabla ang Fatima sa 11th spot sa magkapareho nilang 16 points, at University of Manila.

Sa nakatayang apat na semifinals berth, pilit na­mang tatalunin ng third-running Philippine Maritime Institute (27 points) ang Jose Rizal University (23 points).

Show comments