^

PSN Palaro

'Diay' handang tumulong sa pagtuklas ng atleta kung...

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi magdadalawang-isip si Lydia De Vega-Mercado na bumalik ng bansa at tumulong sa pagtuklas ng mga manlalaro sa athletics kung kakailanganin ang kanyang serbisyo.

Si Diay ay coach nga­yon ng isang unibersidad sa Singapore at aminado siyang nasaktan nang iniwan ang bansa noong 2005 matapos manilbihan bilang isang consultant ng PSC.

“Nakakalungkot talaga pero kailangan naming mag­hanap buhay dahil wala kaming mga pension ngayong retirado na kami sa paglalaro,” wika ni De Vega-Mercado nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura.

Si De Vega-Mercado ang huling hinirang na Asia’s Sprint Queen mula sa Pilipinas dahil wala ng nakitang kapalit nito ma­tapos magretiro noong de­kada 90s.

Kawalan ng matibay na programa bukod sa mga magagandang pasilidad at benepisyo ang isa sa nakitang dahilan ni Diay kung bakit hirap tumuklas ng atleta ang bansa.

Pero hindi naman na­nga­ngahulugan na tapos na ang tagumpay na dating tinatamasa ng Pilipinas sa mundo ng palakasan pero nangangailangan na ito ng ibang istilo ng pagharap.

Aniya kung kulang ang suporta ay dapat na mamili na lamang ng ilang atleta na maaaring bigyan ng sa­pat na suporta upang m­analo sa mga kompetis­yon na lalahukan.

Sa katanungan kung handa siyang bumalik para tumulong, isang malakas na oo ang kanyang ibinigay lalo nga’t hangad ng mga dating atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa na maipamahagi rin ang nalalaman sa mga papasibol na atleta.

“Hindi naman problema ang suweldo dahil noong consultant ako hindi din kalakihan ang tinatanggap ko,” ani pa ni Diay.

ANIYA

DE VEGA-MERCADO

DIAY

LYDIA DE VEGA-MERCADO

PADRE FAURA

PILIPINAS

SHY

SI DE VEGA-MERCADO

SI DIAY

SPRINT QUEEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with