^

PSN Palaro

Guiao alanganin pa rin ang katayuan sa Air21

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines -  Hanggang kahapon ay wala pa ring katiyakan kung si Yeng Guiao pa rin ang tatayong head coach ng mga Express para sa susunod na komperensya.

Walang narating na solidong kasunduan sina Guiao, Air21 board governor Johann Ramos at team manager Allan Gregorio sa kanilang pulong noong Huwebes ng hapon na natapos ng alas-9 ng gabi.

Sa panayam ng GMANews.TV, kumpiyansa si Gregorio na matatapos ang naturang usapan sa Lunes.

“There are things which both camps want. Coach Yeng is not the type of guy who makes demands,” ani Gregorio sa Pampanga Vice-Governor.

Nagtapos na ang kontrata ni Guiao sa Express noong Disyembre 31, 2010.

Ipinanukala na ni Gregorio kay Ramos na bigyan si Guiao ng isang contract extension hanggan sa pagtatapos ng 36th season ng PBA.

Gusto ni Guiao na limitahan ng Air21 ni team owner Bert Lina ang pagpasok sa mga trades sa ibang PBA teams.

vuukle comment

ALLAN GREGORIO

BERT LINA

COACH YENG

DISYEMBRE

GREGORIO

GUIAO

HANGGANG

HUWEBES

JOHANN RAMOS

PAMPANGA VICE-GOVERNOR

YENG GUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with