^

PSN Palaro

Pacquiao 'di dapat magkumpiyansa, Mosley posibleng makasingit

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi dapat magkumpiyansa si Manny Pacquiao na inaasahang magiging li­yamado sa pagsampa nila ni Sugar Shane Mosley sa ring sa Mayo 7 sa MGM Grand Arena sa Las Ve­gas.

Bagamat marami ang nagsasabing hindi ma­kakapagbigay ng matin­ding laban ang 39-anyos na si Mosley, ang katotohanang nasaktan niya si Floyd Mayweather Jr. ang isa sa dapat na ikonsidera ni Pacquiao bago ito maniwalang madaling laban ang kanyang haharapin sa unang laban sa taong 2011.

Muntik ng napatumba ni Mosley si Mayweather nang nagkaharap noong Mayo pero sinuwerte ang walang talong dating pound for pound king na nakaligtas sa matinding atake nito.

Ilan nga sa mga naniniwalang magandang laban ito ay ang papasibol na boksingerong si Paul Spadafora na dating hari ng IBF lightweight.

Naniniwala siyang pin­a­kamahusay na boksingero sa ngayon si Pacquiao dahil sa kanyang bilis at la­kas sa pagsuntok.

Pero ibang kalaban si Mosley na aniya ay halos kasing-bilis at kasing-lakas ni Pacman.

“You can never, ever sleep on Shane Mosley. I think if I had to put my money on it, it would be 50-50 odds. I’d have to go with Mosley I would go with Mosley because he’s bigger, stronger, faster and more experienced,” wika ni Spadofora na hindi pa natatalo sa 46 laban at dating sparmate ni Mayweather.

Maging ang mga nire­respetong boxing writers sa US na sina Eric Raskin at Graham Houston ay na­niniwalang may ibubuga si Mosley.

“Sugar Shane is argua­ble just as fast as Pacquiao, probably hits harder, is definitely bigger and strong and has just as much super fight experien­ce,” wika ni Raskin ng Ring Magazine.

Alam naman ito ni trai­ner Freddie Roach kaya isa sa inaalis nito sa isi­pan ni Pacquiao ay salitang kumpiyansa.

Dahil sa inaasahang ma­bigat na laban na ha­ha­rapin kung kaya’t walong linggo ang pagsa­sanay na gagawin nila ni Pacquiao at ang unang apat na linggo ay gagawin sa Baguio City mula Marso 7 habang ang huling apat na linggo ay isasagawa sa Los Angeles.

Itataya ni Pacquiao ang hawak na WBO welterweight division sa labang handog uli ng Top Rank Promotions.

BAGUIO CITY

ERIC RASKIN

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

GRAHAM HOUSTON

GRAND ARENA

LAS VE

MOSLEY

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with