Junior Altas winalis ang elims, NCAA top spot inupuan
MANILA, Philippines – Itataya ng University of Perpetual Help System Dalta ang kanilang korona laban sa Arellano University sa paghataw ng semifinal round ng 86th National Collegiate Athletics Association (NCAA) juniors’ volleyball tournament sa Enero 6 sa Emilio Aguinaldo College Gymnasium sa Taft Avenue, Manila.
Hangad ng Junior Altas ni head coach Miguel Rafael na muling dominahin ang Baby Chiefs na kanilang tinalo sa elimination round, 25-6, 25-10, 25-12, patungo sa inaasam na finals berth.
Muling ibabandera ng Dr./Col Antonio Tamayo-owned university sina John Eric Francisco, Louie Chavez, Philip Bagalay, Isaac Visaya, Lesandro Diomangay, Joel Brito at ang kanilang Libero na si Jherald Martinez.
Winalis ng Junior Altas elimination round nang iposte ang matayog na 7-0 rekord.
Kabilang sa mga tinalo ng Las Piñas-based spikers ay ang semifinalists na SSC-R Staglets, EAC Brigadiers at ang Baby Chiefs sa single round robin.
- Latest
- Trending