ORLANDO, Fla.--Ipinakita ni Hedo Turkoglu kung bakit isa siya sa mga key figure sa isinagawang reorganisasyon ng Orlando Magic.
Nagtala si Turkoglu, bahagi ng trade na nagtampok sa walong players, ng 10 points, 10 assists at 14 rebounds para tulungan ang Magic sa 110-90 paggupo sa Golden State Warriors.
“I’m glad I finally did something to help this team win,” wika ni Turkoglu.
Ito ang pangatlong triple-double ni Turkoglu sa kanyang NBA career at gumiya sa Magic sa kanilang 6th na dikit na panalo.
Nagdagdag si Dwight Howard ng 22 points at 17 rebounds para sa Orlando.
Nagsalpak ang Magic ng 15 3-pointers, 12 rito ay sa second half nang mabigo ang Warriors na pigilan si Howard sa shaded lane.
Pinangunahan ni Monta Ellis ang Warriors sa kanyang 20 points.
Sa Charlotte, North Carolina, gumawa si LeBron James ng 38 puntos at nagdagdag naman si Dwyane Wade ng 31 puntos nang dominahin ng Miami Heat ang second half at talunin ang kulang sa taong Bobcats, 96-82 at ilista ang kanilang pang-11th dikit na panalo sa labas ng kanilang bakuran.
Sa Boston, tumapos si Paul Pierce ng 23 puntos upang tulungan ang Celtics na makaahon mula sa double-digits na deficit at isa pang panibagong double-digit rebounding performance ni Kevin Love at igupo ang Minnesota Timberwolves, 96-93.
Sa iba pang laro, nanalo ang New Orleans sa Philadelphia 76ers, 84-77, pinayuko ng Denver Nuggets ang Houston Rockets, 113-106 habang nalusutan ng Utah Jazz ang Detroit Pistons, 102-97.