AUCKLAND, New Zealand--Natabunan ni dating top ranked Maria Sharapova ang last minute na pagpapalit ng kalaban upang talunin si Alberta Brianti ng Italy, 6-2, 6-3 at umusad sa second round ng ASB Classic tennis tournament nitong Lunes.
Nakatakda sanang makalaban ni Sharapova si Carla Suarez Navarro ng Spain sa kanyang first round match, subalit umayaw ang huli sa huling sandali.
Si Suarez Navarro ay lalaro sa tournament bilang eight seed at ito naman ang unang laban ni Maria sa taong ito laban kay Brianti, umentra sa main draw bilang lucky loser matapos na mabigo sa huling round ng qualifying.
Nangailangan si Sharapova ng 90 minuto bago niya nagapi si Brianti.