Salvador babandera sa Vietnam chessfest
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Filipino Grandmaster Roland Salvador ang kampanya ng Pilipinas sa pagbubukas ng 1st HD Bank Cup Open Chess Tournament sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Matapos isagawa ngayong araw ang technical meeting, sisimulan sa Martes ang pigaan ng utak na tatagal hanggang sa Enero 9.
Ang naturang tournament ay isang Swiss System competition na tatampukan ng 9 rounds at ito ay lalaruin base sa FIDE regulations na may time control na 90 minutos para sa isang buong laro at karagdagang 30 segundo kada sulong simula sa unang move. At ang alok na draw na mas mababa sa 30 moves ay hindi papayagan at ang mga pairings ay gagawin ng Swiss Manager, ayon sa organizing committe na Vietnam Chess Federation.
Kalahok din sa nasabing event sina GMs Darwin Laylo, John Paul Gomez, IMs Richard Bitoon, Oliver Barbosa, Kim Steven Yap at Oliver Dimakiling, FM Haridas Pascua, NMs Emmanuel Senador at Egdar Reggie Olay, Rodolfo Panopio Jr. at Merben Roque.
- Latest
- Trending