GM Paragua tuloy ang pananalasa sa Amerika

MANILA, Philippines - Patuloy ang impresibong pananalasa ni Filipino Grand­master Mark Paragua sa Estados Unidos matapos na dominahin ang katatapos pa lamang na 4 Rated Games Tonight Chess Championships nitong Disyembre 23 sa New York City.

Isang talo lamang ang natikman ni Paragua, nahirang na most bemedalled athlete noong 2003 Vietnam Southeast Games, mula sa 4 na pakikipaglaban at tumapos ito ng 3.5 puntos kasalo sina Russian IM Yury Lapshun, American IM Jay Bonin at Mexico’s Juan Sena na kanyang naungusan sa bisa ng tie break points.

Show comments