2 ginto kumakaway kay Alcala
MANILA, Philippines - Inilinya ni Malvinne Ann Alcala ang sarili sa posibleng double gold nang umabante siya sa girls Open at U-19 division sa pagpapatuloy ng Ming Ramos-Victor National Open and Youth Badminton Championships sa PSC Badminton Hall sa Rizal Memorial Sports Complex.
Natatanging manlalaro na naghatid ng ginto sa Singapore Youth International, ang 15-anyos na si Alcala ay nanalo kay Janelle de Vera, 21-8, 21-12 sa Open class matapos dumiretso sa finals sa U-19 nang hindi makalaro ang na-injured na kalaban na si Anna Barredo.
Si de Vera ang siya ring makakalaban ni Alcala sa finals ng U-19 habang si Nikki Servando ang makakatuos nito sa Open nang manalo ang tubong Bacolod laban ay second seed Danica San Ignacio, 21-19, 21-14.
Nakapagtala naman ng upset si Paul Vivas nang kalusin niya ang top seed Joper Escueta sa men’s Open semifinals, 21-19, 21-18.
Makakatuos ng third seed na si Vivas si second seed Peter Magnaye na kinailangang bumangon sa first set kabiguan tungo sa 14-21, 21-7, 21-14 panalo kay Honesto Buendia.
Bigo man sa Open ay palaban pa rin si Escueta sa U-19 sa apat na araw na torneo na inorganisa ng Philippine Badminton Association (PBA) at suportado ng San Miguel Corporation at Victor.
Nangibabaw si Escueta kay Kevin Cudiamat, 21-14, 21-15, upang itakda ang pagkikita nila ni Magnaye na nauna ring tinalo si Buendia, 21-18, 21-15.
Namuro rin Cassandra Grace Lim na maging double gold medalist matapos manalo sa U-15 at U-17 girls singles.
Ang 15-anyos na si Lim ay nanalo kay Samantha Ramos, 21-13, 21-12, upang umabante sa finals sa girls singles 15-under laban kay Joella Geva de Vera.
Si De Vera na third seed sa dibisyon, ay nakapanorpresa sa second seed na si Kaydee de Jesus gamit ang 21-8, 21-10, tagumpay.
Ang posibleng ikalawang titulo ni Lim sa apat na araw na torneo na inorganisa ng Philippine Badminton Association (PBA) ay sa U-17 nang matalo siya kay Kristelle Dawn Saslatan, 21-14, 21-14.
- Latest
- Trending