^

PSN Palaro

Lim, De Jesus may tiket na sa quarterfinals

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nanalo sina top seed Cassandra Lim at second seed Kaydee de Jesus upang maipagpatuloy ang pagmartsa sa girls singles U-15 sa Ming Ramos-Victor National Open and Youth Badminton Championships sa Club 650 sa Libis, Quezon City.

Ang 14-anyos na si Lim ay nagpakita ng husay sa kabuuan ng laban upang ku­nin ang 21-8, 21-6, ta­gum­pay kay Mikaela Aqui­no habang walang hirap na walk-over naman ang kinuha ni De Jesus sa kanyang asignatura.

Sunod na kalaban ni Lim ay si Faith De Vera nang hindi sumipot ang fifth seed Diane Catangay habang si De Jesus ay ma­susukat kay Bianca de Guzman na nanalo kay Raelynne Almendras, 21-17, 21-14.

Hindi rin natinag ang mga top seeds sa boy’s U-19 nang manalo sina Jo­­per Escueta at Peter Magnaye sa kanilang asignatura upang umabante na rin sa quarterfinals.

Tinalo ni Escueta si Jesshard Piol, 21-7, 21-10, habang si Magnaye na kagaya ng top seed ay kasapi ng national pool at naglaro sa Singapore kamakailan, ay pinagpahinga na si Diego Libiran, 21-12, 21-12.

Inorganisa ng Philippine Badminton Association na pinangungunahan ni dating First Lady Amelita “Ming” Ramos, sunod na kalaro ni Escueta si fifth seed Nik­ko Saquin habang si Mag­naye ay masusukat kay Jo­shua Monterubio at ang mananalo ay papasok na sa semifinals.

Tinalo ni Saquin si Brent Wu, 21-12, 21-16, habang dominanteng 21-0, 21-0, ang hinugot ni Monterubio kay Raymund Ajero.

Tagisan sa pagitan nina Aleckhine Aquino at Kevin Cudiamat at Lance Bautis­ta at Honesto Buendia ang matutunghayan sa isang ha­ti ng semifinals sa torneong suportado rin ng San Miguel Corporation at Victor ay may basbas ng Badminton World Federation (BWF) at Badminton Asia Confederation (BAC).

Ang mga aksyon ay lil­ipat na sa Rizal Memorial Badminton Hall at kasama sa sasalang ay si Malvinne Alcala.

Si Alcala na edad 15 ay siyang natatanging gold medal winner ng bansa sa Singapore Youth Internatio­nal at patok na manalo uli sa girls singles U-19 di­­vision.

Kalaro ni Alcala si Jonelyn Nieto na tinalo si Justine Ampuan, 12-21, 21-15, 21-13 at ang mananalo ay papasok na rin sa semifinals.

Ang second seed na si Danica San Ignation ay makakaharap naman si Danice peligrino na winalis si Clarissa Pascual sa 21-0, 21-0, straight sets panalo.

ALECKHINE AQUINO

BADMINTON ASIA CONFEDERATION

BADMINTON WORLD FEDERATION

BRENT WU

CASSANDRA LIM

CLARISSA PASCUAL

DANICA SAN IGNATION

DE JESUS

ESCUETA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with