Alcala-Escueta kakampanya sa Ming-Victor National Open
MANILA, Philippines – Sariwa pa sa kanilang pagsikwat sa gintong medalya sa Singapore Youth International, tinatayang mahigpit na paborito si Malvinne Alcala sa na madomina ang kanyang mga kalaban sa Ming Ramos -Victor National Open and Youth Badminton Championships na papalo bukas sa Club 650 at PSC Badminton Hall sa Rizal Memorial Sports Complex.
Sa kabilang dako naman, palaban rin si Joper Escueta sa boy’s side ng apat na araw na torneo na magtatampok sa mga mahuhusay at sumsibol na manlalaro ng bansa na maglalaban-laban para sa karangalan sa kani-kanilang division bukod pa ang nakatayang puwesto para sa national pool.
Ang iba pang sasabak sa aksyon sa naturang event ay sina Ariel Magnaye, EJ Boac, Cassandra Lim, Nikki Servando at ang tambalan ng 11-anyos na sina Mark Shelley Alcala at Aira Mae Albo.
Ang iba pang mga manlalarong kalahok ay mula sa Allied Badminton, Escoses Training Camp, WWGBA, Whackers Badminton Academy, Gingoog Badminton Club at Team Prima.
Nagpahayag si Alacala, tinalo ang mga matitikas na dayuhang karibal upang ibulsa ang Under-17 crown sa Singapore, ng kumpiyansa hinggil sa kanyang tsansa sa nasabing event na inorganisa at idaraos ng Philippine Badminton Association (PBA), na kasapi ng Badminton World Federation (BWF) at Badminton Asia Confederation (BAC)
Ang unang dalawang araw ng torneo ay iho-host ng Club 650 sa Libis, Quezon City.
- Latest
- Trending