^

PSN Palaro

Black, Lim mangunguna sa mga awardees ng UAAP/NCAA Press Corps

- Ni ATan -

MANILA, Philippines –  Pararangalan ng UAAP-NCAA Press Corps ang mga manlalarong kuminang sa kanilang mga liga sa gaganaping 6th Collegiate Basketball Awards sa Enero 17 sa Topaz 1 ng Gateway Suites sa Cubao, Quezon City.

Mangunguna sa bibigyan ng pagkilala ay sina Ate-neo at San Beda coaches Norman Black at Frankie Lim bilang Coaches of the Year matapos mapag­harian ng kanilang mga koponan ang nilahukang colleagiete leagues.

Tinalo ng Ateneo ang Far Eastern University habang nangibabaw naman ang San Beda sa San Sebastian College.

Hindi natalo ang Lions sa kabuuan ng torneo kasama na ang 16-0 sweep sa elimination na isang record sa pinakamatandang liga sa collegiate.

Iprinisinta ng Smart Communications at suportado ng ACCEL, 316, FilOil, Terrilicious, Gatorade, San Miguel Corporation at ng Philippine Sportswriters Association, ang seremonya ay sisimulan ganap na alas-7 ng gabi.

Ito ang ikatlong sunod na Coach of the Year award ni Black matapos niyang imando ang Blue Eagles sa 10-4 record sa elimination, bago winalis ang Tamaraws para sa korona ng 73rd UAAP season, habang ikalawa naman ito para kay Lim. Ang dalawa rin ay magkasamang tumanggap ng naturang parangal na nangyari na noong 2008.

Binubuo ang UAAP-NCAA Press Corps ng mga manunulat mula sa broadsheets at tabloids, maggagawad din ng parangal sa Collegiate Mythical Team na katatampukan ng limang piling manlalaro na kuminang sa 2010.

Ipamamahagi rin ang UAAP at NCAA Juniors Pla­yer of the Year bukod pa sa Super Seniors at Pivotal Player award.

BLUE EAGLES

COACH OF THE YEAR

COACHES OF THE YEAR

COLLEGIATE BASKETBALL AWARDS

COLLEGIATE MYTHICAL TEAM

FAR EASTERN UNIVERSITY

FRANKIE LIM

GATEWAY SUITES

PRESS CORPS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with