Darts for a cause sa Dec. 28

MANILA, Philippines - Muli’y ipagdiriwang ng respetadong darts tournament director Errol Magtubo ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng traunang P25,000 HULING HIRIT darts-for-a-cause event sa Disyembre 28 sa NU Grill @ Ambassador Hotel Car Park.

Ang dartfest, na tuma­takbo na ng halos dalawang dekada, ay isang paraan ni Magtubo upang tulungan ang sport na malapit sa kanyang puso at mangalap ng podo para sa charitable causes.

Umaasa si Magtubo na hindi bababa sa 100 darters ang lalahok sa torneo hindi lamang upang sungkitin ang top prize kundi higit sa lahat ay makibahagi sa pagtulong sa ilang kapus-palad na kababayan.

Ang tournament format ay 501/ best-of-three (winners); 701, One leg (losers), double knockout.

Show comments