^

PSN Palaro

Canare nagbitiw na

- Ni ATan -

MANILA, Philippines –  Nagbitiw na si national bowling coach Jojo Cana­re sa kanyang puwesto upang tanggapin ang alok mula sa Egypt na maging foreign coach.

Si Canare ay umalis na patungong Egypt na kung saan hahawakan niya ang kanilang national team sa loob ng isang taon.

“Nakakapanghinayang pero para sa ikagaganda ng kanyang career ang pag­tanggap niya sa alok ng Egypt. Bago pa mag-Asian Games ay inaalok na siya pero tinapos muna niya ang kanyang mga ga­wain dito bago kinuha ang offer,” wika ni Philippine Bow­ling Federation (PBF) secretary general Olivia “Bong” Coo.

Taong 2007 nang ma­upo bilang coach si Canare na batikan ding manlalaro nang kanyang kapanahunan,

Sa tatlong taong pag-upo ay sa 2010 sumigla ang kanyang coaching career dahil nakapaghatid ng ginto at bronze medal ang men’s bowlers na sina Engelberto Rivera at Frederick Ong sa idinaos na Asian Games sa Guangzhou Chi­na.

Sa ngayon ay naghaha­nap pa ng coach na papalit kay Canare ang PBF na maghahanda naman sa mga malalaking toneo sa 2011 kasama ang Southeast Asian Games sa Indo­nesia.

“Si headcoach Caloy De Leon ang hahawak sa team pero hindi pa namin malaman kung magtutuloy pa bilang foreign coach namin si Jun Traspoto dahil hindi pa tumutugon ang PSC sa aming request,” dagdag pa ni Coo.

ASIAN GAMES

CALOY DE LEON

CANARE

ENGELBERTO RIVERA

FREDERICK ONG

GUANGZHOU CHI

JOJO CANA

JUN TRASPOTO

PHILIPPINE BOW

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with