LOS ANGELES - Tumipa si Earl Boykins ng season-high 22 points, habang nagdagdag si John Salmons ng 20 para tulungan ang Milwaukee Bucks sa 98-79 paggupo sa nagdedepensang Los Angeles Lakers.
Winakasan ng Bucks ang five-game winning streak ng two-time defending champions.
Nagtala si Kobe Bryant ng 21 points bago napatalsik sa laro, samantalang may 15 naman si Pau Ga-sol bukod sa kanyang 11 rebounds para sa Lakers.
“I told them I don’t think they can play any worse than that,” sabi ni Lakers coach Phil Jackson. “This is what we were worried about. We got out of whack there in the second half and never recovered.”
May 6-0 rekord ang Los Angeles laban sa Milwaukee bago sila natalo.
Nanggaling ang Lakerssa isang seven-game road trip at natalo sa Staples Center sa ikatlong pagkakataon sa loob ng 13 taon.
Napatalsik si Bryant sah 2:07 sa fourth quarter matapos ang kanyang ikalawang technical foul mula sa isang offensive foul.
Nagposte si Andrew Bogut ng 15 points para sa Bucks, naglaro nang wala sina injured regulars Brandon Jennings, Corey Maggette at Drew Gooden.
Sa Orlando, Florida, ang Dallas Mavericks na ngayon ang bagong koponanang gumiba sa Orlando Magic sa pamamagitan ng 105-99 pananaig.
Umiskor si Caron Butler ng 20 puntos at nagdagdag si Dirk Nowitzki ng 17 puntos upang tulungan ang Mavericks na kumawala sa final canto at ilista ang kanilang pang-16th panalo sa 17 games. Isang gabi matapos din nilang tapyasin ang winning streak ng Miami.
Umasinta ang Dallas ng 50 percent mula sa floor kabilang ang unang dalawang games matapos nilang hugutin sina Gilbert Arenas, Jason Richardson at Hedu Turkoglu nitong Sabado.
Sa Charlotte, natabunan ng Oklahoma City ang kanilang malamyang shooting nang kanilang dominahin ang fourth quarter tungo sa 99-81 panalo laban sa host team.
Sa iba pang resulta, nanalo ang Chicago Bulls sa Philadelphia 76ers, 121-76 at nakalusot ang Golden State Warriors sa Sacramento Kings, 117-109 sa OT.