^

PSN Palaro

Lakers pinigil ng Bucks ; Magic nadiskaril naman sa Mavericks

-

LOS ANGELES - Tu­mipa si Earl Boykins ng season-high 22 points, habang nagdagdag si John Salmons ng 20 para tulu­ngan ang Milwaukee Bucks sa 98-79 paggupo sa nagdedepensang Los Angeles Lakers.

Winakasan ng Bucks ang five-game winning streak ng two-time defen­ding champions.

Nagtala si Kobe Bryant ng 21 points bago napatalsik sa laro, samantalang may 15 naman si Pau Ga-sol bukod sa kanyang 11 rebounds para sa La­kers.

“I told them I don’t think they can play any worse than that,” sabi ni La­kers coach Phil Jackson. “This is what we were worried about. We got out of whack there in the second half and never recovered.”

May 6-0 rekord ang Los Angeles laban sa Milwaukee bago sila natalo.

Nanggaling ang Lakerssa isang seven-game road trip at natalo sa Staples Center sa ikatlong pagkakataon sa loob ng 13 taon.

Napatalsik si Bryant sah 2:07 sa fourth quarter matapos ang kanyang ikalawang technical foul mula sa isang offensive foul.

Nagposte si Andrew Bogut ng 15 points para sa Bucks, naglaro nang wala sina injured regulars Brandon Jennings, Corey Maggette at Drew Gooden.

Sa Orlando, Florida, ang Dallas Mavericks na ngayon ang bagong kopo­nanang gumiba sa Orlando Magic sa pamamagitan ng 105-99 pananaig.

Umiskor si Caron But­ler ng 20 puntos at nag­dagdag si Dirk Nowitzki ng 17 puntos upang tulu­ngan ang Mavericks na ku­mawala sa final canto at ilista ang kanilang pang-16th panalo sa 17 games. Isang gabi matapos din nilang tapyasin ang winning streak ng Miami.

Umasinta ang Dallas ng 50 percent mula sa floor kabilang ang unang da­lawang games matapos nilang hugutin sina Gilbert Arenas, Jason Richardson at Hedu Turkoglu nitong Sa­bado.

Sa Charlotte, natabunan ng Oklahoma City ang kanilang malamyang shooting nang kanilang dominahin ang fourth quarter tungo sa 99-81 panalo laban sa host team.

Sa iba pang resulta, nanalo ang Chicago Bulls sa Philadelphia 76ers, 121-76 at nakalusot ang Golden State Warriors sa Sacramento Kings, 117-109 sa OT.

vuukle comment

ANDREW BOGUT

BRANDON JENNINGS

CARON BUT

CHICAGO BULLS

COREY MAGGETTE

DALLAS MAVERICKS

DIRK NOWITZKI

DREW GOODEN

EARL BOYKINS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with