^

PSN Palaro

Mas malaking swimming relay sa 2011 ikakasa uli

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi titigil ang organi­zers ng Great Pinoy Peace and Unity Swim sa hanga­ring makagawa ng kasaysayan sa Guiness world record.

Nabigo ang nagtagu­yod ng dalawang araw na swim event noong Dis­yembre 10 hanggang 11 sa Diliman Preparatory School sa Quezon City sa ha­nagring mabura ang record sa pina­kamaraming manlalangoy na lumahok sa relay sa loob ng isang araw.

Ang marka ay hawak ng Italy na 5,028 swimmers pero ang ginawa sa DPS ay umabot lamang sa 4,523 swimmers.

“We’re planning another attempt by next year and we will announce the details soon to create awareness on this project,” wika ni dating Senador at ngayon ay pangulo ng DPS na si Nikki Coseteng ng dumalo sa PSA Forum kahapon.

Hindi man nabura ang record ay masaya pa rin si Co­seteng sa naganap na event dahil dinagsa rin ito ng mga malalaking personalidad.

Kasama nga sa nakiisa ay ang anak ng Presidential sister Kris Aquino na si Josh na lumangoy din.

“Ang makita na mara­ming manlalangoy mula sa iba’t -ibang sector na na­kiisa ay isang accomplishment na. Dahil patunay ito na kayang magkaisa ng mga swimmers sa isang magandang layunin,” dagdag pa ni Coseteng.  

COSETENG

DAHIL

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

GREAT PINOY PEACE AND UNITY SWIM

GUINESS

KASAMA

KRIS AQUINO

NIKKI COSETENG

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with