^

PSN Palaro

Kabisado ng llamados

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Sana pinaabot din ninyo ng tatlong overtime para nakatabla din kayo sa record na “longest game in the PBA!”

Iyan ang kantiyaw ng ilang sportswriters kay B-Meg Derby Ace assistant coach Richard del Rosario nang mapadaan siya sa isang umpukan matapos ang game.

“Huwag naman. Tama na ang dalawa,” ani Richard. “Baka matalo din kami pag umabot sa tatlo, e!”

Kasi nga, noong Miyerkules, sa pinakahuling game ng elimination round ng 2010 PBA Philippine Cup ay nagduwelo ang Meralco Bolts at Rain or Shine Elasto Painters. Umabot sa tatlong overtime periods ang larong iyon bago nadesisyunan at nagwagi ang Meralco, 125-124.

Aba’y biruin mong makalipas ang dalawang araw, napasama naman ang Meralco sa extended game. Umabot naman ng dalawang overtime period ang laban nila ng nagtatanggol na kampeong B-Meg Der­by Ace.

At ito’y napanalunan naman ng Llamados, 106-97 upang magkaroon ng 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three quarterfinals series kontra sa Bolts.

Kaya naman may katwiran si Del Rosario na sa­bi­hin na baka manalo ang Bolts kung abot ng tatlong overtime period.

Pero nauna kay del Rosario ay nakapanayam din ng mga sportswriters si head coach George Gallent na nagsabing inakala nila na napagod ang Bolts sa game kontra Elasto painters.

Pero sa kabila daw ng extended game na iyon, may taglay pa ring energy ang Bolts noong Biyernes.

“Aba’y parang kami ang pagod, e,” ani Gallent. “Kami ang naghabol sa pagtatapos ng regulation play. Kami din ang naghabol sa first overtime. Mahirap ding kalaban si coach Ryan (Gregorio). Kaya after the game nagkakantiyawan kami.”

Pero tila kabisado ni Gallent si Gregorio, na siyang dating head coach ng B-Meg Derby Ace bago lumipat sa Meralco kung saan pumirma siya ng limang taong kontrata.

Kasi nga’y hindi pa nananalo sa B-Meg Derby Ace ang Meralco. Three-zero na ang score pabor sa Llamados. Dinaig ng B-Meg Derby Ace ang Meralco, 75-71 sa una nilang pagkikita noong Oktubre 20 at na­kaulit sa mag convincing na 92-73 panalo noong Dis­yembre 8.

Kabisado? O kontra-pelo?

Well, marahil ay nacha-challenge hindi lang si Gallent kundi ang buong B-Meg Team kapag kaharap nila ang dati nilang coach. Para ba’ng sinasabi nila na “Coach, iniwan mo kami ha. Eto ang sa iyo!”

Kaya naman papasok sa Game Two ng quarterfinals sa Miyerkules, magiging heavy favorite na ang B-Meg Derby Ace laban sa Meralco. Natural na nais na ng Llamados na tausin ang laban upang tuluyangmakarating sa best-of-seven semifinals.

At magkaroon din ng magandang pamasko!

Kung umiilaw at kumukutitap ang mga Christmas trees at parol ng Llamados, baka mag-brownout sa panig ng Bolts!

B-MEG DER

B-MEG DERBY ACE

B-MEG TEAM

DEL ROSARIO

GALLENT

GAME

KAYA

LLAMADOS

MERALCO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with