People's tonight kampeon

MANILA,Philippines - Nakawala sa mga kamay ng Philippine Star ang korona matapos na ma­silat sa People’s Tonight, 90-87 sa championship ng Remate/Ahon Foundation Inter-Publication basketball tournament na ginanap sa San Andres Sports Complex, Manila kahapon.

Ito ang unang pagka­kataon na nag-kampeon ang People’s Tonight sa na­sabing torneo kung saan bumandera sa opensa si Niño Marquez, ex-PBA player na tumapos ng 42 puntos.

Abot kamay na ng Starmen ang panalo nang sa hu­ling 5 minuto ng labanan ay kinapitan ng kamalasan ang bataan ni coach Rene Recto nang magmintis ang dalawang triple attempt ni­na Dennis Rodriguez at Lester Reyes na tumalbog la­mang sa ring kasabay ng pagkaubos ng oras.

Samantala, nakuha na­man ng Team Remate ang 2nd runner-up trophy matapos durugin ang Team Hataw.

Lilima lang ang duma­ting sa manlalaro ng Rema­te samantalang ang Hataw ay sampu.

Show comments