People's tonight kampeon
MANILA,Philippines - Nakawala sa mga kamay ng Philippine Star ang korona matapos na masilat sa People’s Tonight, 90-87 sa championship ng Remate/Ahon Foundation Inter-Publication basketball tournament na ginanap sa San Andres Sports Complex, Manila kahapon.
Ito ang unang pagkakataon na nag-kampeon ang People’s Tonight sa nasabing torneo kung saan bumandera sa opensa si Niño Marquez, ex-PBA player na tumapos ng 42 puntos.
Abot kamay na ng Starmen ang panalo nang sa huling 5 minuto ng labanan ay kinapitan ng kamalasan ang bataan ni coach Rene Recto nang magmintis ang dalawang triple attempt nina Dennis Rodriguez at Lester Reyes na tumalbog lamang sa ring kasabay ng pagkaubos ng oras.
Samantala, nakuha naman ng Team Remate ang 2nd runner-up trophy matapos durugin ang Team Hataw.
Lilima lang ang dumating sa manlalaro ng Remate samantalang ang Hataw ay sampu.
- Latest
- Trending