^

PSN Palaro

Pacquiao isinama ng WBC na kalahok para sa 3 awards

-

MANILA,Philippines - Hindi malayong may makuha pang malalaking awards si Manny Pacquiao bago matapos ang taong 2010.

Ang World Boxing Coun­cil (WBC) na nagga­wad kay Pacquiao ng ikawalong titulo sa magka­kaibang dibisyon nang ma­panalunan ang bakanteng junior middleweight title noong Nobyembre 14 matapos ang one-sided na laban sa mas malaking si Antonio Margarito, ay na­ihanay sa tatlong parangal na pagbobotohan ng mga opisyal ng WBC.

Ikinokonsidera ang Pam­bansang kamao sa ha­nay ng WBC Boxer of the Decade at Boxer of the Year habang ang ma­aksyong laban nila ni Margarito ay naisama sa Event of the Year. Nakasama ni Pacquiao sa Boxer of the Decade sina Oscar De La Hoya, Floyd Mayweather, Eric Morales, Vitali Klitschko at Pongsaklek Wonjongkam.

Nakaharap na ni Pacquiao at tinalo sina De la Hoya at Morales habang si Mayweather ang siyang nais na makita ng mga pa­natiko sa boxing na magtuos sa taong ito.

Ang iba pang kasama sa pinagpipilian sa Boxer of the Year na kung saan si Pacquiao ay hinirang no­ong 2008 at 2009, ay sina middleweight champion Sergio Martinez at light heavyweight champion Jean Pascal.

Ang mga makakakuha ng pinakamaraming boto ang siyang hihiranging kampeon sa pinaglalabanang kategorya na inaasahang iaanunsyo bago magpalit ng taon.

Isa pang Filipino boxer na si Rodel Mayol na dating hari ng WBC light flyweight title ay nakasama sa talaan sa bisa ng dalawang laban nila ni Omar Nino.

Ang unang laban na nauwi sa tabla noong Peb­rero 27 ay inihanay sa Con­­troversy of the Year ha­bang ang ikalawang pag­tutuos noong Hunyo 19 na pinagwagian ni Nino para maagaw ang titulo ay nasa kategoryang Most Dramatic fight.

Ang iba pang kategor­yang pinaglalabanan ay ang Knockout of the Year, Return of the Year at Memories of our Decade para sa mga boxers na namaalam na sa mundo. (ATAN)

vuukle comment

ANG WORLD BOXING COUN

ANTONIO MARGARITO

BOXER OF THE DECADE

BOXER OF THE YEAR

ERIC MORALES

EVENT OF THE YEAR

FLOYD MAYWEATHER

JEAN PASCAL

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with