^

PSN Palaro

Semis asam ng Patriots

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Walisin ang Singapore Slingers sa tatlong laro sa eliminasyon ang pakay ngayon ng bagong muk­hang Philippine Patriots sa idaraos na AirAsia ASEAN Basketball League Season II ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ganap na alas-4 ng hapon itinakda ang sagupaan at ang Patriots ay maglalaro gamit ang balik import na si Gabe Freeman upang lalong tumikas ang hangaring maka-back-to-back titles sa anim na ko­ponang liga.

Si Freeman na nakatu­wang ni Jason Dixon nang magkampeon ang Patriots noong nakaraang taon ay nasa kanyang ma­gandang kondisyon matapos maglaro mula sa Townsville Crocodiles sa National Basketball League sa Australia.

Makakatuwang niya ngayon si Steve Thomas na parehong mga bagong pasok sa team na pag-aari nina Dr. Mikee Romero at byusinessman Tony Boy Cojuangco at suportado na rin ng AirAsia.

“I’m glad to be back. I think we got more talent this year and got players who are hungry to win. I think we can win another title,” wika pa ni Freeman na nagtala ng averages na 21.7 puntos at 15.0 rebounds nang igiya nito ang Patriots sa pitong sunod na panalo.

Kung manalo ay ma­kukuha ng koponan ang ikawalong panalo sa 12 laro at magpapatibay sa hanga­ring homecourt advantage sa best-of-three se­mifinals

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE SEASON

DR. MIKEE ROMERO

GABE FREEMAN

JASON DIXON

NATIONAL BASKETBALL LEAGUE

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

SHY

SI FREEMAN

SINGAPORE SLINGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with