Korona sasakmalin na ng Sharks

MANILA, Philippines - Walisin ang Batangas tungo sa ikalawang sunod na kampeonato sa Dunkin’ Donuts Baseball Philippi­nes Series VII ang nasa ka­may ngayon ng Manila sa gagawing Game Two ng Finals sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Tinanganan ng Sharks ang mahalagang 1-0 kalamangan sa Bulls sa best-of- three championship series nang kunin ang 8-2 panalo noong Disyembre 11.

Kinakitaan ng tibay ng paglalaro ang Manila na suportado ng Harbour Centre mula sa opensa, de­pensa at pitching upang madomina ang Bulls na kampeon ng Series III at V.

“Tatapusin na namin ito. Gagawin namin ang lahat para hindi na umabot pa ng game three ang series,” wika ni Sharks team mana­ger Jhoel Palanog.

Hindi na magagamit ng koponan ang mahusay na si Jon Jon Robles matapos ito ang isalang sa Game One pero matibay pa rin ang pitching rotation ng Sharks dahil naririyan pa si Charlie Labrador at Roy Baclay na gaya ni Robles ay mga kasapi ng national team.

Show comments