MMDA-Makati babanderahan ni So sa Nat'l Inter-Cities chessfest

MANILA, Philippines –  Mula sa kanyang silver medal finish sa nakaraang 16th Asian Games sa Guangzhou, China, sasabak si GM Wesley So at ang lima niyang kakampi sa 2010 National Inter-Cities and Municipalities chess team championship sa Disyembre 18-19 sa People’s Astrodome sa Dagupan City.

Babanderahan ni So ang koponan ng Makati-Metro Manila Development Authority (MMDA) sa nasabing two-day competition na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ni pre­sident/chairman Prospero “Butch” Pichay.

Pamumunuan naman ni GM John Paul Gomez ang Quezon City-Local Water Utilities Administration-A., habang si GM Darwin Laylo ang haharap para sa Mandaluyong City.

“The presence of Wesley and two other national players, who made the coun­try proud in the recent Asian Games in China, will add luster to the season-ending tournament,” sabi ni Pichay.

Bukod sa Gomez-led LWUA-A, maglalahok rin ang Quezon City-based go­vernment firm ng LWUA-B of Haridas Pascua and LWUA-C of Cristy Lamiel Bernales.

Ang iba pang notable entries ay ang dating Asian Cities champion Tagaytay City na pangungunahan ni NM Edmundo Gatus; ang Malabon City ni IM Barlo Nadera; ang Pasig City ni Dennis San Juan; ang Pasay City ni Allan Cantonjos at ang Palawan ni Verth Alora.

Show comments