^

PSN Palaro

Malaking dagok sa Llamados

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Kahit pa sabihing hindi nakapaglaro si Peter June Simon kontra sa nangungulelat na Barako Bull noong Biyernes, angat pa ring tingnan ang Llamados kontra sa Energy Boosters.

Kaya naman maituturing na isang “shocker” ang 85-83 pagkatalong sinapit ng B-Meg Derby Ace ng gabing iyon. Nagbuslo ng dalawang free throws si Dennis Daa wala ng isang segundo ang natitira upang wakasan ng Barako Bull ang kanilang schedule sa pamamagitan ng panalo.

Iyon ang ikatlong panalo sa 14 games ng Ener­gy Boosters na kagaya ng Powerade Tigers ay nabigong makapasok sa quarterfinal round ng 2010 PBA Philipine Cup.

Kaya naman pakiramdam ng karamihan ay kaya ng B-Meg Derby Ace na magwagi laban sa Barako Bull ay bunga ng pangyayaring tinambakan ng nagtatanggol na kampeong Llamados ang Meralco Bolts, 92-73 noong Miyerkules.

Sa larong iyon ay na-thrown out si Simon matapos lang ang tatlo’t kalahating minuto. Ito’y bunga ng pagbato niya ng bola sa ulo ni Rogemar Menor. Nauna dito’y natawagan sina Simon at Menor ng double foul.

Hindi naman umiskor si Simon sa game na iyon. At hindi nga naramdaman ng Llamados ang kanyang ejection. kasinga ay nag-step up ang kan­yang mga kasamahang gaya nina Niño Canaleta at James Yap.

Si Simon ay nasuspindi ng isang game at pinagmulta ng P20,000 bunga ng flagrant foul penalty two na ipinataw sa kanya.

So, umaasa nga ang iba na kaya ng Llamados na ipagpatuloy ang kanilang husay sa kabila ng suspension ni Simon. Kaya nilang masegurong hindi sila babagsak sa ikapito o ikawalong puwesto kung sakali. Kasi nga’y may 7-6 karta sila papasok sa game kontra Barako Bull. Kung naging 8-6 ang kanilang record, safe na sana sila.

Pero iba ang intensiyon ng Barako Bull.

Nothing to lose nga naman ang Energy Boosters at everything to gain.

Sa post-game interview, sinabi ni Daa na bago nagsimula ang game ay kinausap sila ng masinsinan ni coach Edmundo “Junel” Baculi at sinabi nitong kailangang ipakita nila sa lahat na kaya naman nilang manalo. At ang kanilang tatalunin pa’y defending champion.

Magandang “closing statement” iyon. Magandang pabaon tungo sa susunod na conference na katatampukan ng mga imports.

At hindi daw magiging matagal ang kanilang bakasyon. Malamang na matapos lang ang New Year’s celebration, mag-eensayo na sila kaagad. Paghahandaan nila ang pagresbak

Sabi nga high spirits na namaalam ang Barako Bull.

Pero taliwas doon, ang naramdaman ng Llamados.

Laglag ang kanilang mga tuka sa pagtatapos ng kanilang elimination round schedule.

B-MEG DERBY ACE

BARAKO BULL

DENNIS DAA

ENERGY BOOSTERS

KANILANG

KAYA

LLAMADOS

MAGANDANG

MERALCO BOLTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with