^

PSN Palaro

Freeman balik Patriots

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi na hahayaan pa ng Philippine Patriots na ma­lagay sa alanganin ang hangaring matagumpay na pagdepensa sa suot na titulo sa AirAsi ASEAN Basketball League (ABL).

Bagong kombinasyon ng imports ang matutunghayan sa pagharap ng ko­ponan sa Singapore Sli­n­gers sa Disyembre 18 dahil ibinalik ng Patriots si Gabe Freeman upang itam­bal kay Steve Thomas.

Papalitan ni Freeman si Rashiem Wright na kahit nakatulong sa kinuhang 73-71 panalo ng koponan sa KL Dragons nitong Huwebes ay nakitaan pa rin ng ka­hinaan na dumepensa na mahalaga lalo nga’t ma­titibay ang ibang koponan na kalaban ng Patriots pa­ra sa kampeonato sa Sea­son 2.

“Mabait si Wright pero hindi ko siya masyadong maaasahan sa depensa at ito ang kulang sa atin kaya nagdesisyon na ang ma­nagement na palitan siya,” wika ni team manager Erick Arejola.

Si Freeman ang ikalimang import ng koponan sa taong ito matapos patalsikin na rin ang orihinal na pinili na sina Anthony Johnson at Donald Little.

Naghatid ang 6’7 import ng 23 points, 15.5 rebounds at 1.3 assists noong nakaraang taon at kung maibibigay pa rin ang ganitong numero ay tiyak na may pagkakalagyan ang mga makakalaban.

Huling laro na ng Patriots sa taong ito ang laban sa Singapore sa Ynares Sports Arena bago sila mag­bakasyon bilang paggunita ng Kapaskuhan.

May 7-4 karta ngayon ang Patriots upang malagay sa solo-second place kasunod ng Slammers na may 8-2 baraha.

Ang mangungunang dalawang koponan matapos ang eliminasyon ang magtataglay ng homecourt advantage sa cross over semifinals.

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE

DONALD LITTLE

ERICK AREJOLA

GABE FREEMAN

PHILIPPINE PATRIOTS

RASHIEM WRIGHT

SHY

SI FREEMAN

SINGAPORE SLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with