^

PSN Palaro

2011 SEAG paghahandaan agad ng PSC

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Sa pagpasok pa lamang ng taong 2011 ay hi­hikayatin na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga National Sports Association (NSAs)na magsumite ng kani­lang mga programa para sa 26th Southeast Asian Ga­mes sa Palembang, In­donesia.

Ito ang inihayag ni PSC chairman Richie Garcia kaugnay sa kanilang gaga­wing paghahanda para sa naturang biennial event.

“Starting January (2011) we will be asking the NSAs to push for a program in preparation for the Southeast Asian Games,” sabi ni Garcia sa kanyang gaga­wing hakbang sa Enero ng 2011.

Sa nakarang SEA Ga­mes sa Laos, nagtapos ang Team Philippines b­ilang fifth-placer sa nakolektang 38 gold, 35 silver at 51 bronze medals sa ilalim ng Thailand (86-83-97), Vietnam (83-75-57), Indonesia (43-53-74) at Malaysia (40-40-59).

Ayon kay Garcia, bibigyan niya ng mas malaking pondo ang mga sports as­so­ciations para sa gagawing pagsasanay at paghahanda ng mga national athletes para sa 2011 SEAG.

Itinakda ng Indonesia, namahala sa nasabing sports event noong 1979, 1987 at 1999, ang 2011 SEAG sa Nobyembre 11.

“We are trying to increase the budget for the NSAs from P300 million before, now we want to increase it to P400 million,” wika ni Garcia.

Ang dagdag na pondo ay manggagaling sa mga natipid ng sports commission sa janitorial at security services.

Tatlong gold medals naman ang iniuwi nina boxer Rey Saludar, bowler Biboy Rivera at cue artist Dennis Or­collo sa nakarang 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

ASIAN GAMES

BIBOY RIVERA

DENNIS OR

GARCIA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

REY SALUDAR

RICHIE GARCIA

SHY

SOUTHEAST ASIAN GA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with