Goco, Castillo tumumbok ng panalo sa B-League tourney

MANILA, Philippines - Ipinamalas uli nina Rit­chy Goco at Eliezer Castillo ng St. Clare College-Caloocan ang kanilang hu­say sa larong bilyar upang mapangunahan ang B-League tournament na gi­na­ganap sa Star Billiards Center sa Quezon City ka­makailan.

Umani ang dalawa ng pitong panalo sa siyam na laro para isulong ang na­ngungunang karta sa 19 ko­ponan sa 15-3 baraha.

Sa patnubay ni coach Ber­nie Diswe, tinalo ng St. Clare ang Our Lady Of Fatima University, 3-0; Adamson University, 2-1; at San Sebastian College, 2-1, sa ligang suportado ng PCSO, Accel, Hermes Sports Bar, Bugsy Sports, Negros Billiards Stable at Philippine Star.

Hindi nakalasap ng talo sina Goco at Castillo. Si Go­co ay nanalo kina John Dennis de Leon ng Fatima (7-1), Arvee Cabre­ra ng Adam­son (7-3), at Benjamin Canega ng San Sebastian (7-3) sa 9-ball habang si Castillo ay nangibabaw sa 10-ball kina Kristopher Roxas ng Fatima (7-4), Kingfort Llovit ng Adamson (7-4), at Michael Elduay ng San Sebastian (7-2).

Hindi naman pinalad sina Kateleen Yoldi at Ri­chard Fernandez na natalo sa mga nakalaban na sina Cabrera at Jovit dela Peña (0-5) ng Adamson habang ang tambalang Yoldi at Cas­tillo ay nasilat din nina Timothy Zapanta at JR Vina­rao (3-5), ng San Sebastian para sa dalawang pagyukod ng St. Clare.

Ang FEU, Jose Rizal Uni­versity at Philippine Ma­ritime Institute ay nakasu­nod naman sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto sa 14-4 karta. Sina Andrei Ruzi at Kenidy Ignacio ang bumandera sa FEU laban sa Mapua (2-1), NU(2-1) at Adamson (3-0) UE (2-1), Mapua (2-1) at Letran (3-0).

Show comments