Kenyan runners paborito sa QCIM

MANILA, Philippines –  Babanderahan ng mga Kenyan runners, sa pa­ngunguna ni CamSur International Marathon champion Richard Kemeil, ang malaking bilang ng mga lahok sa paglarga ngayong umaga ng 2nd Quezon City Intrernational Marathon sa QC Memorial Circle.

Puntirya ni Kemboi ang kanyang ikalawang panalo sa local marathon sa bansa matapos na umangat sa 1st CamSur Marathon noong nakaraang September 26, at inaasahang siya rin ang babandera sa maliit pero mabibilis na 23-man Ken­yan contingent na siguradong mapapahirapan ang mga kasabayang runners sa taunang meet na ito na pu­nong abala ang Quezon City government sa pa­mamahala nina Mayor Herbert Bautista at Vice Ma­yor Joy Belmonte.

Sina Bautista at Belmonte ang magkutuwang na magpapaputok ng baril para pakawalan ang ma­hi­git sa 10,000 runners na mag­gigitgitan sa mga kalsa­da sa naturang event na tinaguriang “’Lead Run for Green Quezon City Interna­tional Marathon 2010” sa Elliptical Road sa harapan ng city hall.

Bagamat hindi sumali ang Kapwa niya Kenyans na si Hilary Kipchumba, na­nalo noong nakaraang taon, upang idepensa ang kanyang korona, ang kababayan naman niyang sina Samuel Tarus Too, Daniel Chirchir at Daniel Kipkemei Koringo--ang inaasahang magbibigay ng mabigat na laban kay Kemboi para sa karangalan sa men’s 42.195-kilometrong karera na hatid ng SM Development Corporation, Robinson’s Land Corporation, San Jose Builders, San Mi­guel Corporation, Unilab, Meralco, Maxima, Unilever, Isuzu Philippines, SSS, Ma­nila Water, Immuvit at Herbalife.

Sa kababaihan, sa pagkawala ni defending champion Doreen Kitaka, ang kapwa Kenyans na si Fridah Lodepa ang mahigpit na paborito matapos na masikwat ang women’s title sa Pattaya Marathon noong Hulyo, pe­ro nandiyan din si Lucy Ka­rimi Mugambi, runner-up sa Penang Marathon, ang magiging tinik sa kanyang daraanan sa karerang ito na may ayuda rin mula sa mga media sponsors na GMA, ABS-CBN, DZMM, Philippine Star, Takbo.ph, Auto Review at Philippine Amateur Radio Association bilang mga com­munications partner.

Show comments