^

PSN Palaro

Arcilla mabigat na laban ang haharapin sa PCA Open

-

MANILA, Philippines - Idedepensa ni Filipino bet Johnny Arcilla ang kanyang korona laban sa mga foreign-based players na may Filipino roots sa 29th Philippine Columbian Open (PCA).

Ang top-seeded Arcilla ay makakasukatan nina Filipino-Americans Andrew Cooney at Rickey Baylon, Filipino-German Marc Sieber at Milan-based Marc Reyes sa men’s division na hahataw ngayong araw sa PCA indoor shell claycourt sa Paco, Manila.

Hindi rin dapat bale­walain si Southeast Asian Games veteran Patrick John Tierro, ilang runner-up finishes ang nakuha sa torneo.

“Matinding hamon ito. Malalakas ang mga kala­ban pero handa naman akong makipagsabayan para maipagtanggol ko yung titulo ko,” wika ni Arcilla, hangad ang kanyang pang limang korona sa torneong itinataguyod ng Ce­buana Lhuillier.

Sa ladies division, hindi naman makakalaro si five-time titlist Czarina Mae Arevalo.

Ang Patrimonio sisters na sina Anna Clarice at Anna Christine ang mangu­nguna bukod pa kina vete­rans Michelle Pang, Marinel Rudas at Trudy Amoranto.

Nasa listahan rin sina Filipino-Americans Mariel Ante at Desirae Krawcyk.

Kabuuang P550,000 ang nakataya sa nasabing annual event na ito nga­yong taon.

ANG PATRIMONIO

ANNA CHRISTINE

ANNA CLARICE

ARCILLA

CZARINA MAE AREVALO

DESIRAE KRAWCYK

FILIPINO-AMERICANS ANDREW COONEY

FILIPINO-AMERICANS MARIEL ANTE

FILIPINO-GERMAN MARC SIEBER

JOHNNY ARCILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with