^

PSN Palaro

James pinasiklaban ang Heat sa sariling bakuran

-

CLEVELAND - Iginiit ni LeBron James na trabaho lang ito at walang perso­nalan.

Umiskor si James ng season-high 38 points, ang 24 rito ay kanyang ibinuhos sa third quarter, para igiya ang Miami Heat sa 118-90 paglampaso sa dati niyang koponang Cleveland Cavaliers.

“I have the utmost res­pect for this franchise, the utmost respect for these fans,” wika ni James

Ito ang pinakamasakit na pagkatalo ng Cavaliers matapos silang iwan ni Ja­mes para lumipat sa Heat.

“I thought he played great,” sabi ni Cavs coach Byron Scott. “Simple as that.”

Ito rin ang unang paglalaro ni James sa Cleveland na iginiya niya sa loob ng pitong taon at nagtampok sa kanya ng back-to-back MVP awards.

Bago ang laro, nilait muna at binuska si James ng mga fans ng Cavalliers.

At may mga hawak na “Quitness” at “Play Like It’s Game Five”.

Nagdagdag si Dwyane Wade ng 22 points para sa Heat kasunod ang 18 ni James Jones at 15 ni Chris Bosh para sa kanilang 12-8 kartada.

Pinamunuan ni Daniel Gibson ang Cavaliers sa kanyang 21 markers.

Sa Oakland, California, umiskor si Jason Richardson ng 25 puntos laban sa kanyang dating koponan at nagdagdag naman si Grant Hill ng 24 puntos upang pamunuan ang Phoenix la­ban sa Golden State, 107-101.

Nag-ambag naman si Steve Nash ng 13 puntos at itinabla ang kanyang season-high na 16 assists nang igupo ng Suns ang Golden State sa siyam mula sa kanilang 11 pag­haharap.

Kumana naman si Mon­ta Ellis ng 38 puntos para sa Warriors.

BYRON SCOTT

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

DANIEL GIBSON

DWYANE WADE

GAME FIVE

GOLDEN STATE

GRANT HILL

JAMES JONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with