^

PSN Palaro

Cash incentives ibibigay na

- Ni RC -

MANILA, Philippines – Isang masaganang Pas­ko at manibagong Bagong Taon.

Ito ang matatanggap ng mga national athletes, kasama ang kanilang mga coaches, na nakapag-uwi ng kabuuang 3 gold, 4 silver at 9 bronze medals sa nakaraang 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Personal na ibibigay ni pangulong Benigno “Noy­noy” Aquino III sa mga atle­ta at coaches ang kanilang mga insentibo bukas sa Badminton Hall sa Rizal Memorial Coliseum.

Sina gold medal winners Engelberto “Biboy” Rivera ng bowling, Dennis Orcollo ng billiards at Rey Saludar ng boxing ay tatanggap ng tig-P1 mil­yon base sa nakasaad sa Republic Act 9064 o ang Athletes and Coaches Incentives Act.

Sinabi ni Philippine Sports Commission chairman Ritchie Garcia na kabuuang P9.5 million incentives ang kanilang ibibigay kung saan P6.4 milyon dito ay mapupunta sa mga athletes at ang P3.1 milyon ay sa kanilang mga coaches.

Ang mga silver meda­lists na sina Warren Kiamco ng billiards, Miguel Luis Tabuena ng golf at Annie Albania ng boxing ay magbubulsa ng tig-P500,000.

Sina Grandmasters Wesley So, Joey Antonio, Eugene Torre, John Paul Gomez at Darwin Laylo ng chess ay makakakuha ng tig-P200,000 para sa chess team standard silver medal.

Sina bronze medalists Frederick Ong ng bowling, Mark Eddiva ng wushu, Tshomlee Go, John Paul Lizardo, Paul Romero at Kristie Elaine Alora ng taekwondo at Victorio Saludar III ng boxing ay tatanggap ng tig-P100,000.

Bibigyan rin sina dan­cesports’ Carlea Lagaras at Ronnie Steeve Vergara ng tig-P100,000 para sa dala­wang bronze medals sa Latin Cha-cha-cha at Latin Paso Doble events.

ANNIE ALBANIA

ASIAN GAMES

ATHLETES AND COACHES INCENTIVES ACT

BADMINTON HALL

BAGONG TAON

CARLEA LAGARAS

DARWIN LAYLO

DENNIS ORCOLLO

EUGENE TORRE

FREDERICK ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with