^

PSN Palaro

Goodbye Little

-

MANILA, Philippines – Hindi malayong maglaro uli ng isang import ang Philippine Patriots sa pagdayo nila sa Indonesia para kaharapin ang Satria Muda BritAma sa Sabado.

Pinaalis na ng pamunu­an ng nagdedepensang kampeon sa AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) si 6’10 import Do­nald Little dahil sa kanyang di magandang pag-uugali.

May ilang insidente na nakakaaway niya mismo ang mga kakampi, si Little ay tuluyang pinauwi na ma­tapos ang malamyang paglalaro sa nalasap na 81-96 kabiguan ng Patriots sa Westports KL Dragons sa Malaysia nitong Linggo.

May anim na puntos la­mang sa first half si Little at nilamon siya ng mga im­ports ng Dragons upang makalayo agad ang host team tungo sa pagpapalasap sa tropang pag-aari nina Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco ng kani­lang ikalawang sunod na ka­biguan at 6-3 kabuuang karta.

Sinisikap ni team ma­na­ger Erick Arejola na makahanap agad ng maipangpapalit kay Little pero kung hindi ay handang maglaro ang koponan gamit ang serbisyo lamang ng 6’3 na si Rashiem Wright.

Si Wright ay dumating sa koponan kapalit naman ni Anthony Johnson na may inindang hamstring in­jury.

vuukle comment

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE

ERICK AREJOLA

MIKEE ROMERO

PHILIPPINE PATRIOTS

RASHIEM WRIGHT

SATRIA MUDA

SHY

SI WRIGHT

TONY BOY COJUANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with